top of page

Paano ba ang kitaan sa Royale?

Pag-usapan naman natin kung Paano ka kikita or Kung Paano ang kitaan dito sa Royale.

 

Naglagay ako ng mga Pictures ng Proof of Earnings sa taas. Kung mapapansin mo, earnings ito ng mga ibat-ibang Independent Distributor ng Royale. Meron dating DH, may Doctors, Sundalo at Janitor. Gusto ko kasi na makita at malaman mo na, sa Royale lahat ay pwedeng kumita. Mapa bata, professionals, OFW, High School Graduate, Construction worker at kahit may kapansanan.

Dahil sa Royale, walang pinipili, walang pinipili ang SYSTEMA. Systema na susundan mo nalang. Systema na pwedeng sundan ng kung sino man.

Bago natin pag-usapan ang kitaan. Kailangan mo muna malaman ang mga POINTS na puwede mong ma-accumulate kapag bibili ka ng Product Package at mga Products. Bawat Product Package at Products ay may katumbas na mga points. Ito ang mga points..

 

  • PPV - Product Points Value

  • UPV - Uni-Level Points Value

  • MPV - Multi-Level Points Value

 

Bukod sa kita mo sa mga products na nabebenta mo, Ang kitaan dito ay base lahat sa POINTS. Ito naman ang mga points ng bawat products at package.







 

Ang Product Package ay may katumbas na 150 PPV, at ang bawat products naman ay may mga katumbas na tatlong points PPV, MPV at UPV na ma-coconvert mo into cash. Ang tawag dito PMS or Points Marketing System. At dahil PMS ang gamit ni Royale, every products na personal use mo at nabebenta mo ay kikita ka ng tatlong beses dahil may mga points ang mga ito, add pa natin ang kita mo sa mga nabebenta mo.

 

                 PAANO ANG KITAAN SA ROYALE?

 

Now na aware ka na sa mga points, pag-usapan naman natin ngayon ang mga ways to earn sa Royale. Ito ang mga ways to earn.

 

  • Direct Selling Program / Thru Products

  • Leveraging Program/ Referral Program

  • Uni-Level Program

  • Multi-Level Program

 

  Direct Selling Program/ Thru Products



                                                                                           "Retailing"

Ma-aari kang kumita sa pamamagitan ng Direct Selling or pagbebenta ng products, tingi-tingi or maramihan.
Kapag member kana ng Royale or Independent Distributor kana, meron kang up to 30% discount at every products na bibilhin mo.

Example computation as shown sa image sa taas:
L Gluta Power SRP (Suggested Retail Price) - 1,680 Php
Independent Distributor Price - 1,176 Php

Dahil Distributor kana meron ka ng discount sa mga products na bibilhin mo. 
Mabibili mo lang ng 1,176 Pesos ang L Gluta Power Capsule. 
1,680php - 1,176php = 504 Php

Meron kana kaagad kita na 504 Php sa isang bote ng L-gluta caps. 

Paano kung nakabenta ka ng 10pcs L Gluta Caps?
504php x 10 = 5,040 Pesos na kita.

Kung sa isang taon nakabenta ka ng 100pcs na L Gluta Caps?
504php x 100 = 50,400 Php na kita sa isang product pa lang. Malaking tulong na diba?

Paano naman kung hindi ka magaling magbenta or ayaw mo magbenta-benta?
Ma-aari kang kumuha ng SUB-DISTRIBUTOR mo na magbebenta para sa'yo. Ang SUB-D ay merong 10% discount sa lahat ng mga products na bibilhin niya. Sa lahat ng products na bibilhin niya at bebenta niya, kikita ka. 
SUB-D Price less Distributor Price = Profit from SUB D, ito ang kikitain mo na didiretso sa commission mo.

Example computation ng kita mo sa SUB-D:
L Gluta Power Capsule SRP - 1,680 Php
SUB-D Price, Less 10% sa SRP - 1,512 Php
Distributor Price - 1,176 Php

1,512 php - 1,176 php = 336 Php, Ito ang kita mo from SUB-D
Kung meron kang 10 SUB-D at nakabenta sila ng tig-iisa L Gluta Capsule.
336 php x 10 = 3,360 Php, Ito ang kita mo from SUB-D

Hindi ikaw ang nagbenta pero kumita ka. Nakatulong kana, kumita kapa.
Note: Isang product pa lang ito, take time to compute and take time to see the big picture here.

"Product Package Rebate"

Kapag ang nabenta mo naman ay Package, Kikita ka at babayaran ka ng Royale ng 1,610 Php sa bawat package na mabebenta mo. Kung nakabenta ka ng 4 Packages meron kang kita na 6,440 Pesos. Compute ulit natin.
Kung nakabenta ka ng 10 Packages. 

1,610 x 10 = 16,100 Pesos

At hindi lang yan, every Product Package ay may katumbas na 150 PPV diba? Malalaman mo mamaya kung para saan ang mga points na ito.

 

 Leveraging Program

Kapag Independent Distributor kana, magkakaroon ka ng Virutal Office mo or sariling Web Page. Sa web page mo magkakaroon ka ng TEAM A (LEFT) at TEAM B (RIGHT) na slot. 
Halimbawa, ang nabentahan mo ng Product Package ay si "A" at si "B". Ang Product Package ay may katumbas na Business Slot. Si "A" na kumuha ng Product Package ilalagay mo siya sa TEAM A (LEFT). At si "B" naman ay ilalagay mo sa TEAM B (RIGHT) mo.

Every Product Package na mabebenta mo ay kikita ka ng 1,610 pesos at merong 150 PPV diba? So,

dahil Points System ang Royale, Kapag nakita ni Royale na merong 150 PPV sa LEFT mo at 150 PPV sa RIGHT mo at nag-pair ito, bibigyan or babayaran ka ng company ng 2,100 Pesos. Tinatawag itong MATCH SALES BONUS.
Ang total na kinita mo sa dalawang Product Package na nabenta mo is 5,320 Pesos.

Computation:
1,610 x 2 = 3,220 Pesos
150 PPV Left +  150 PPV Right = 2,100 Pesos
Total = 5,320 Php

Every Product Package na mabebenta mo meron kang 1,610 Pesos, Every 150 PPV Left + 150 PPV Right at nag-pair meron kang 2,100 Pesos. Dito na pumapasok ang leveraging at ang malaking kitaan. Dito marami ang nabago ang buhay, dahil sa sistemang ito.


Halimbawa naman, si "A" ay nakapag-benta rin ng dalawang package, at si "B" din ay naka-pagbenta ng dalawang package. May 300 PPV parin papasok sa Left mo, at 300 PPV parin na papasok sa Right mo. Pero wala ka ng 1,610 dahil sila nakabenta ng package. Kikita ka ulit kahit hindi na ikaw ang nagbenta sa MATCH SALES BONUS. Kumita ka na naman ng  4,200 Pesos. At si "A" at "B" naman ay kumita ng 5,320 each.

 

Ngayon, dito na rin papasok ang Group Effort. Everytime na may nakikita ang system ng royale na 150 PPV sa left at 150 PPV sa right mo, Kikita kapa rin kahit hindi na ikaw ang nagbenta or nagtrabaho. Tulungan lamang ang business na ito. Tuturuan mo lang gawin ni "A" at "B" ang sistema ni Royale at ganun din sila sa mga nais nilang tulungan.

Computation ng maari mong kitain sa Group Effort:

"Points Accumulation"

Paano naman kung hindi ka nakakabenta ng package or nakakapag-pasok ng mga new Distributors? Kikita kapa rin ba?

Halimbawa, Si "A" na napabili mo ng package at distributor na. Masipag, nakakabenta ng Product Package at nakakapag-invite ng mga new distributors. Nakakapag-pasok siya ng mga points sa Left mo. 

Pero ito namang si "B" ay hindi nagtatrabaho at walang napapasok sa Right mo, Pero bumibili ng mga products, gumagamit ng mga products, at nagbebenta ng mga products. Kikita kapa rin ba?

 

Yes at Oo! Dahil Points System nga ang gamit ng sistema ng Royale, kikita kapa rin.
Every products na binibili, ginagamit at nabebenta ni "B" ay merong mga points. Habang bumibili ng patingi-tingi si "B" naiipon din ang PPV Points ng mga products sa Virtual Office mo. At kapag naka-ipon ng 75 PPV si "B" sa right mo, hahanapan yan ng ka-match sa Left mo at kikita ka ng 1,050 Pesos as MATCH SALES BONUS.

Anong mangyayare dun sa remainder mo na 75 PPV sa left? Carry over lang siya at maghihintay ulit ng ka-match. Kapag nag-match ulit kikita ka naman ng 1,050 Pesos.

 Uni-Level Program

 

Dito na papasok ang UPV points. Pangalawang points na makukuha mo every products na binibili at nabebenta ng grupo mo. Note: Points ng buong grupo mo. Sa Uni-level program kikita ka ng 8% rebates sa personal na produktong nabili mo. May mga rebates ka rin na makukuha sa grupo mo from the 1st level up to 10th level, 5%, 4%, 3%, 2%, 1%, 1%, 2%, 3%, 4%, 5%  Kahit hindi ka nagbebenta, pwede kapa rin kumita ng malaki ng dahil sa Group or Team Effort.

 

Sample Computation:
1 Royale Spirulina = 300 UPV Points
300 x 8% = 24 Pesos
10,000 UPV x 8% = 800 Pesos

 

                                                             

 Multi-Level Program

 

Dito na papasok ang MPV Points, Pangatlong points na makukuha mo sa mga products. Sa Multi-Level Program meron kang rebates at overrides sa grupo mo. Ang % mo ay depende sa Multi-level rank mo. Tumataas ang Multi-Level rank mo based sa accumulated PPV Points mo at ng grupo mo.

 

  • I.D - 5% Rebate

  • Emerald - 10% Rebate

  • Sapphire - 15% Rebate

  • Ruby - 25% Rebate

  • Diamond - 30% Rebate

Your Partner To Success
International Distributor:  

Shiela and Jomel Tasarra
Email: jomel.tasarra@yahoo.com

Facebook Page: Royale Business Club International Canada Prince Albert
Mobile #: 1(306)930-6438

Home #: 1(306)500-3176

Any inquiry please leave a message to our inbox, we will reply asap.Thank you! 

(Click Image to Zoom)

Your details were sent successfully!

bottom of page